WHAGCHAMACULLIT...

Monday, January 24, 2005

LUNES

Spongecola

Dahan dahang lumalamig
unti-unting dumidilim
Sa saliw ng yong pagtingin
ang oras ay

bumibilis
kumakaripas
naghihintay na lang
kasama ng ulan

at ayokong magising
sa umagang nangaakit mabuksan
naninimdim
di alam
walang patutunguhan

di mapigilan ang pagngiti
paglaya mo’y minimithi
nagyayaya nang makisayaw
ang himig ay

nangaaliw
isang pagdiriwang
sa ilalim ng bituin
sa liwanag ng buwan

at ayokong magising
sa umagang nangaakit mabuksan
naninimdim
di alam
walang patutunguhan

ayoko na
hindi sinasadya
hindi ko sinasadya

Saturday, January 22, 2005

Decisions...

Hmmmm... matagal ko nang pinag-iisipan itong ipo-post ko ngayon... highschool pa ko... ano 'to? kung mas mabuti bang pasayahin mo ang iba kesa ang sarili mo... o ang sarili mo bago ang iba... walang kwentang post 'to kaya kung gusto mong bumisita sa ibang site e gawin mo na ngayon oki?! wala lang... kasi... halos buong buhay ko... nakasuot ako ng maskara... lahat na lang ng ginagawa ko e para sa "greater good" ng iba... okay lang kahit masaktan ako(korny ko no?) o malungkot... ang mahalaga e makita ko silang masaya... tama nga ba 'yon? siguro kung titingnan natin... mas maganda nga naman kung iba yung napapasaya mo... magmumukha kasing selfish kapag inuna mo yung sarili mo e... pero 'di ba nga... mahalin mo muna sarili bago mo matutunang mahalin ang iba? (WHAAAAAAA!!!!!! ANG KORNY KO!!!!! madalas ko kasi kasama si mhe... wehehe... joke...) TAMA NA ANG KALOKOHANG 'TO!!!!! malapit na kami mag-time ni mhe... siguro... hanggang dito na lang yung ipo-post ko... ang korny kasi... wehehe... hindi ko kakayanin... yun lang... marami pakasi akong dapat asikasuhin kaya......................................... BABAY!!!!

Tuesday, January 18, 2005

Madali lang pala e...



How to make a karayst
Ingredients:

3 parts competetiveness

5 parts self-sufficiency

5 parts ego
Method:
Add to a cocktail shaker and mix vigorously. Add a little cocktail umbrella and a dash of caring

ADHD...

Hmmmm... isa nanamang walang-kwentang araw... ang maganda lang yata sa araw na to e yung maaga naming dismissal... dapat kasi hanggang 8:OOpm yung klase namin ngayon... pero dahil la sallian week... walang klase sa isang subject naming yun... Bakit kamo ADHD(Attention Deficit Hyperactive Disorder... tama ba?) yung title ng post na to... hmmmm... nung oras na para sa second subject namin... ewan ko pero antok na antok ako... hindi ko alam kung sa subject ba, sa teacher, o talagang bored lang ako... sa sobrang inis ko... kinulayan ko yung takip ng stabilo ko tapos ipinasa ko sa mga klasmeyt ko... nung ibabalik na sakin yung stabilo... sabi sakin ng prof namen... "Ano bang problema... Kanina pa kita nakikta ha hindi lang kita pinapansin..." napatahimik ako hanggang sa matapos ang period... wala lang... narealize ko lang na masiyado akong papansin... wehehehe... kaya siguro walang sumeseryoso sakin... ako nga yung taong 18 years old na pero parang 5 year old kung mag-isip... hehehe... tama na nga tong kalokohang to... basta... bukas masaya ulit kasi walang klase... at manonood kami kina borly... hindi ng bold ha... andun si mhe... hehehe... kahit siguro wala si mhe e hindi pa rin ako manonood... may phobia kasi ako... wehehehe... sige na... lalo lang humahaba to e...

Friday, January 07, 2005

Ang buhay nursing...

Hello po... first time ko lang po kaya pasensiya na kung parang newbie ang ambiance ng blog ko... anyways... nakakapagod talaga ang linggo ko... kailangan kong magreview sa health care kasi mababa grade ko pero dahil sa busy na schedule... both academically and personally... mamayang gabi ko pa lang sisimulan... at bukas na ang health care namin... hehehe... kaya ko bang mahabol yung quota namin? kaya ko yan... with the help of family, friends, God and most importantly... kailangan ko ring tulungan sarili ko... hindi ako dapat umasa sa tulong ng iba... kailangan ko ring kumilos... salamat sa bestfriend ko dahil kahit bihira kami magkita e patuloy niya ako binibigyan ng hope at inspirational talks para makacope ako sa buhay kong ito... GOALS KO: may dalawang terms pa... kaya ko pang bumawi... ititigil ko na ang pagp-ps2... yun lang siguro e makakapasa na ko... hehehe... am i blabbering nonsense? sorry po ah... kailangan ko lang i-share to senyo... anyways... belated meri x-mas and new year at advance valentines sa inyong lahat...

P.S.
Hindi ko maramdaman ang la sallian week sa hsc... hmph... boring... hehehe... dumating lang yung brgy. Ginebra kaso hindi ko naman paborito yung team nila... no offense po sa mga fans... LA lakers fan po ako... wala lang... yun lang... GOD BLESS!!!