WHAGCHAMACULLIT...

Wednesday, February 02, 2005

Jokes...

Tatay: 'Nak, bili mo ko nga 'ko ng soft drink.

Anak: Coke o Pepsi?

Tatay: Coke.

Anak: Diet o regular?

Tatay: Regular.

Anak: Bote o can?

Tatay: Bote

Anak: 8 oz o litro?

Tatay: Leche! Tubig na lang.

Anak: Mineral, distilled o purified?

==============================

Anong Bansa ang walang pangit? UGANDA

Anong Bansa ang di sikat? LAOS

Anong Bansa ang tinutukso? CUBA

Anong Bansa ang madulas? GREECE

Anong Bansa ang hindi sa iyo? KENYA

Anong Bansa ang nakagapos? ITALY

Anong Bansa ang maraming bacteria? GERM-ANY

Anong Bansa ang nagmamadali? RUSH-SIA

=================================

Wife: Gusto kong magpadagdag ng boobs..

Husband: Ha! Di ba masagwa yon... magiging tatlo!

==============================

Mga lasa ng gatas ng babae?

1. Dalagita? Fresh milk

2. Dalaga? Pasteurized

3. Bagong Kasal? Skimmed

4. Matagal nang kasal? Yogurt

5. Matandang dalaga? Taho

6. Lola? Tokwa

==========================

Nag-aaway ang dalawang tanga

Kulas: Ano ba ang gusto mo, away o gulo?

Tomas: Away na lang para walang gulo.

=================================

T: Ano sa inggles ang Maswerte akong lalaki?

S: Lucky Me with Egg.

T: Eh iyong matronang barat?

S: Payless instant Mommy?

===========================

Totoy: Inay, ano po ba yung sex?

Inay: Ah,eh! iyan ang ginagawa ng mag-asawa para magkaanak.

Totoy: Ang haba naman noon, 'nay! Paano ko isusulat iyan sa bio-data?

================================

Sa isang ospital pagkatapos ng operasyon

Pasyente: Dok, bakit ganito ang operasyon sa ulo ko? Halos kita na ang utak ko.

Dok: Okey iyan. At least, open-minded ka na ngayon.

=================================

Inday: Sir, karamihan pala ng nakalibing sa sementeryoginahasa.

Sir: Paano mo nalaman?

Inday: Kasi nakalagay sa lapida nila RIP!

=====================================

Sa airport canteen, umorder ang isang Amerikano

Kano: Miss, will you please give me one fewtwo.

Tindera: What sir?

Kano: I said one few two.

Tindera: Oh, you want puto!

Kano: Yeah, that's right! Is that how you pronounce it ?

Tindera: (Sa loob-loob, tanga!, puto lang, pino-few two, few two pa,

gagantihan ko nga.)

Tindera: Okey sir, What color do you want? Few la or few ti?

=========================================

T: Ano ang mas maraming sakay, jeepney or ambulansya?

S: Siyempre ambulansiya. Kasi ang jeepney, 10-10 lang bawat side.Samantalang sa ambulansya, madalas na 50-50 ang sakay.

=============================

Hindi raw bingi.

Kustomer: (sumisigaw) PABILI NG HOPE!!

Tindero: Huwag kang sumigaw! Hindi ako bingi! Ilang Coke ba ang

Bibilhin mo?

=================================

Kumpisalan!

Tulume: Father, patawarin po ninyo ako.

Pari: Ano ang kasalanan mo?

Tulume: Nagnakaw po ako ng limang manok.

Pari: Magdasal ka ng limang Ama Namin.

Tulume: Father, walong Ama Namin na po ang dadasalin ko. Babalikan ko pa yung naiwang tatlong manok.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home