WHAGCHAMACULLIT...

Tuesday, January 18, 2005

ADHD...

Hmmmm... isa nanamang walang-kwentang araw... ang maganda lang yata sa araw na to e yung maaga naming dismissal... dapat kasi hanggang 8:OOpm yung klase namin ngayon... pero dahil la sallian week... walang klase sa isang subject naming yun... Bakit kamo ADHD(Attention Deficit Hyperactive Disorder... tama ba?) yung title ng post na to... hmmmm... nung oras na para sa second subject namin... ewan ko pero antok na antok ako... hindi ko alam kung sa subject ba, sa teacher, o talagang bored lang ako... sa sobrang inis ko... kinulayan ko yung takip ng stabilo ko tapos ipinasa ko sa mga klasmeyt ko... nung ibabalik na sakin yung stabilo... sabi sakin ng prof namen... "Ano bang problema... Kanina pa kita nakikta ha hindi lang kita pinapansin..." napatahimik ako hanggang sa matapos ang period... wala lang... narealize ko lang na masiyado akong papansin... wehehehe... kaya siguro walang sumeseryoso sakin... ako nga yung taong 18 years old na pero parang 5 year old kung mag-isip... hehehe... tama na nga tong kalokohang to... basta... bukas masaya ulit kasi walang klase... at manonood kami kina borly... hindi ng bold ha... andun si mhe... hehehe... kahit siguro wala si mhe e hindi pa rin ako manonood... may phobia kasi ako... wehehehe... sige na... lalo lang humahaba to e...

2 Comments:

  • ai nako! magdrama ba daw...? nways, dapat kase discipline... ok..?
    God bless!

    By Blogger mheries, at 5:59 PM  

  • aus lang un.. enjoy naman tau eh. ang importante, mahalaga. hehe,

    By Anonymous Anonymous, at 4:43 PM  

Post a Comment

<< Home